Kapanapanabik ang mundo ng kagaguhan, paglalaro, takot, pagkamuhi... in short choz lang teh... take it easy!

Home » Post Item » Revisited.

Revisited.

October 30, 2009

Im still in the office and got a ton of things to do but I am still bored. So in the spirit of commemorating our departed, lost and missing loved ones I will post my previous blog entries from previous blogs. Well, an early warning, this could get messy and with messy I hope you find it a bit funny and with a subtle pang of nostalgia. 

 First Site: Multiply. 

I dont really maintain my account here beacause first, this site is blocked in the office and second i just didn’t get attached to the site that much. All I have there are a couple of friends, a bunch of photo albums filled with self-love and an attempt blog-ish that served as my refuge whenever I feel like sh**.

in no particular order:


Blog Entry

hindi lahat ng emo naglalagay ng black eyeliner, yung iba, nagsusulat ng blog

 

 Posted:2 March 2009

“…sana laging may mga bituin para maituro ko sayo na katumbas ng bawat kutitap ay ang mga tibok ng aking puso na para sayo”

hindi ko na sa kanya masasabi ang mga katagang ito. kahit anumang pilit kong gustuhing sabihin, kailanman hindi na pwede.

ang tanong: gusto pa nya kaya makarinig ng gantong kadramahan mula saken? walang nakakaalam. ayoko na rin siguro malaman. para ano pa? para umasa ako na oo ang sagot tapos hindi naman pala. o dili kaya’y “oo” pala ang sagot niya tapos hindi ko din kakayaning sabihin. kasi nga hindi tama.

ayokong dumating sa puntong batbatin ang “katamaan” kung bakit “hindi pwede”. kung yun lang sana ang solusyon, kay daling magawa. Kaso, ang solusyon ay ang pagtanggap ng katamaan ng hindi pwede. tapos sa proseso ng pagtanggap ay ang pagtanggap na dumadaan ka sa proseso ng pagtanggap ng bagay na hindi mo akalaing kailangang tanggapin.

nakakasunod ka pa ba?

hindi kita masisisi kung gusto mo maglagay ng comment na “huh?”. madalas ako din napapa-huh sa sarili ko. sana may malaking comment box sa totoong buhay para may buhay na “reality check”.

baka sakaling mapadali ang pagsiguro kung saang yugto ka na ng proseso.

sana may “home” button din para kahit saan ka man mapunta, kahit anumang pindutin mo at siliping site, alam mong isang click lang babalik ka kung saan ka nagmula.

ampotah, existential na ako. basta, sana may mga kung anu-anong button. hanggagu lang, alam ko namang wala at imposible magkaroon ng mga wish kong buttons. wala lang. ang sarap lang mag-imagine ng what if kung meron.

sabagay, kungmeron, wala na sana ang blog entry ko na to.

isa pa ha…

ampotah. manang carmen, engeng blade.

 

#2:

pagtulog ng hindi nakatulog. pagkain ng hindi nabusog\

posted: 22 April 2008

iisipin mo,pa-irony-epek ang title ng entry na ‘to. hmm… medyo. siguro. sa totoo lang, hindi isang tayutay ang pamagat. totoo itong nangyayari saken. creepy man. oo.

para maging tao ako sa isang araw, kailangan ko ng 6-8 oras ng pagtulog. syempre sa panahon ngayon na kay taas ng presyo ng bigas,ambisyosa ang feat na ito. kaya nga’t unti-unting sinusubukan kong paiksiin ang tulog ko: 6, 51/2, 5, 3, 2, 0…. sa proseso ng pagsubok masanay sa kaunti o walang tulog, naramdaman ko ang pagtatampo ng tulog. well, nagkakadaupang palad pa rin kami,pero malamig ang pakitungo niya saken. parang isang dating matalik ng kaibigan na “ha?” lang ang sagot kapag kinakausap.

kapag kilala mo si dette-c, sasabihin mong palayaw niya ang trash can. matakaw siya. tipong pag ayaw mo na ng pagkain mo, malugod siyang kainin ito for you.(pasensya na kung nag-iba ng person, may pseud0-subconscious-eew yata ako sa pagiging matakaw) NWEI, basta hindi ako na bubusog…sumisikip lang yung pantalon

syet, P30.67 na daw babayaran ko sa rent.

 

————-

I also started a blog in Friendster, but when Facebook caught my heart, i just forgot about it up until now.:

http://jinx-cursed-booed.blog.friendster.com/

 

See, I was an existensial, loveless punkass who thinks life could be simplified and that Ican change events as they unfold. Now, I am asking myself if I am still that brat wallowing in pain and love ache, whether I am still that rebel. Whether I can still laugh at my silliness. 

 It makes me cringe a little because i dont Know anymore. I am not sure. Moreover I am not sure if I want to know.

 

 

 

 

 

Posted by ngarud at 12:48 am | permalink

Add a comment