Kapanapanabik ang mundo ng kagaguhan, paglalaro, takot, pagkamuhi... in short choz lang teh... take it easy!

Home » Post Item » Under Construction

Under Construction

October 18, 2009

Unang beses ko mag-blog ng seryosohan o baka akala ko lang seryoso na. Hindi naman talaga ako ganun ka-interesado mag-blog pero dahil sa pag-iiba ng pamumuhay, naisip kong kailangan ko nito. Kumunekta lang ba. Makibasa. May maipabasa. Masabi lang na may ibang ginagawa bukod sa trabaho, pagtulog at pag-inom.

 

Hindi naman ako mahanapin na tao. Tipong, sa pangalawang talata na ito medyo nararamdaman ko na ang mga immediate effects sa akin ng mga sinasabi ko dito — una, tinatamad na akong magtrabaho; pangalawa, nagugutom na ata ako at pangatlo,  naisip kong bakit tag-lish ako magsulat ganun na ba talaga ang lala ng pagbabago ko?

 

Mas masaya sana at mas may kabuluhan ang mga iba-blog ko sa susunod. Madami akong gustong ibahagi sa mundo. hehe. Madami kasi akong natutunan sa kanya. Kaya, dito muna. Try ko munang aralin kung paano i-edit to. Nakakaasar dapat kasi laging may F1 sa lahat ng pagkakataon. :p

Posted by ngarud at 10:06 pm | permalink

Previous Comments

kung pde rin sanang ireformat ang sarili… nireformat na kita ngarud… hihi! more… more.. more..

-ngarag

Posted by ngarag at October 19, 2009, 11:37 pm

Add a comment